First 3 days. Wednesday ngayon. That means three straight days na kong nagmamasipag (gumigising ng maaga, naliLigo ng maaga, umuuwi ng gabi). Alam kong wala akong karapatang umangal, tatlong araw pa lang ako dito, ramdam ko na ang pagod dahil sa malayo kong mga pinanggagalingan.
Day 1: Galing akong Pacita. Mura ang pamasahe plus walang hassel ang biyahe, maliban na lang kung ma-late ako ng gising. Umuwi din ako sa Pacita nun.
Day 2: Na-late na nga ako ng gising. 8am ang pasok ko, 6:30 na ko nagising. 7am na ko nakasakay ng bus. 8:30 tuloy ako dumating ng office. Nakauwi ako ng 7:30pm sa Las Piñas dahil sa sobrang traffic sa Paco.
Day 3: Mula Las Piñas, nakarating ako dito ng 7:40am. Isa itong record dahil isa pa lang ang tao sa office nito. Damang dama ko ang kasipagan ko. Feeling ko magkakaron ako ng star dahil ang aga ko nag time-in.
Musmos pa lang ako, pangarap ko nang maging Piloto. Naisip ko kasing astig yon para sa isang babae. Isa pa, naisip kong madadala ko sila mama sa ibat-ibang parte ng mundo, ng may discount! Desidido akong maging Piloto hanggang maging 3rd year high school ako. Pero pagdating ng 4th year, nagbago na ang isip ko. Naisip kong ayaw kong umalis ng Pilipinas. At imbis na piloto, parang mas astig ata kung may ‘title’ ang pangalan ko. Yung tipong “Atty., Dr., Engr., Pres.”; Kaya naman nung nag college ako, nagenroll ako bilang ECE sa PLM. Naisip ko kasing 5yrs lang at isang taon na review/exam, Engr ka na; sa iba aabot ka pa ng 10yrs bago magkaron ng title, kaya Engr na lang ang napili ko. Pero sadyang malupit ang tadhana, ayaw ata sakin ng Engineering. 3yrs lang ang tinagal ko.
Pagkatapos non, tinamad akong mag-aral. Maling-mali. Hindi ko naisip na mapag-iiwanan ako ng mga sanggol na isinilang nung 1986. Kaya naman pinagpilitan ko sa mga magulang ko na mag-aaral ako ulit, pero dahil alam kong aayawan ako ni Engineering, nag IT ako. Baka sa computer ang swerte ko. Tutal muka naman akong computer. Pero ang hirap din pala ng IT. Pinakaayaw ko dati ang mag program. Pero dahil sa thesis at C#, naisip kong masaya pala sya. Dahil napag-aralan ko na ang IT, nag-iba na naman ang gusto kong mangyari sa buhay. Programmer. Gusto ko maging programmer. Pero may isang problema, sabi ng prof ko nung College, ang mga programmer daw ay mababaho, malalaki ang chan, hindi naliligo, hindi nagtutoothbrush, hindi nag-aayos, at kung anuano pa. Wala daw kasi silang oras para sa mga bagay na ganyan dahil sa sobrang busy nila. Geeks kung baga. Naisip ko tuloy, mahirap kaya?
Tinanggap ko ang hamon ng pagiging programmer. Kaya naman eto ako ngayon. Isang programmer. Papatunayan kong hindi lahat ng programmer ay malapad ang noo, hindi naliligo, at kung anu-ano pa.
ISA NA AKONG PROGRAMMER NGAYON! AT PROMISE! MABANGO AKO!