Tuwang tuwa ako nung unang araw na napunta ka sakin. Nang unang araw kitang makita.. Bawat sandaling kasama kita, hindi mapaglagyan ang sayang dinudulot mo sakin. Pero araw-araw, katumbas ng sayang nararamdaman ko, ay lungkot, dahil alam kong balang araw, iiwan mo rin ako, mabubura ka rin sakin. Bawat sandaling kasama kita, nakikita ko ang pagbabago sayo. Unti-unti ka nang nawawala sakin. Salamat sa sandaling panahon na napasaya mo ko. Bukas o kaya pagdating ng panahon, gigising ako isang araw, wala ka na sakin.
Balang araw, makakakuha rin ako ng kapalit mo. Yung hindi ako iiwan, yung hindi mawawala sa paningin ko, at habang buhay kong makakasama. Alam kong mahirap, masakit, pero kakayanin ko, at kung habang buhay na kasiyahan naman ang kapalit nito, bakit hindi subukan?
Maraming salamat sa kasayahang binigay mo. Mula ngayong araw na ito, kakalimutan na kita. Ayoko na ng henna.. Tattoo naman sa susunod