“Sabi nila, baka daw kasi last christmas na ni Mamang sa earth. Pero hindi ako naniniwala. “
Eto na nga ang kinakatakot ng lahat. Mabuti na lang kahit hindi kami naniwala, dun pa din kami nag christmas sa Pandacan. Nakasama namin sya sa huling pagkakataon. Kung tutuusin, mas okay na yun, dahil hindi na sya mahihirapan, pati yung mga nag-aalaga sa kanya. Pero bakit parang hindi pa din? Totoong kapag nawala na ang isang tao, saka mo maiisip ang mga kawalan nito. Maikli ang buhay (Kahit 85 yrs syang nabuhay). Maraming mga pangyayaring gugulat sayo sa loob ng isang araw. Pwedeng bukas, sa isang iglap lang, magbago ang mundo mo.
Wag kang matakot umiyak kapag nalulungkot ka. Tumawa ng malakas kapag masaya ka o tumambling ka kapag di ka nakontento sa pagtawa ng malakas (pag masaya ka lang ha). Hindi mo alam ang mangyayari bukas, o sa isang araw. Sabihin mo sa mga taong mahalaga sayo na mahalaga sila. Huwag kang magsawang magsabi ng “I love you” sa mga taong mahal mo.
Ngayon lang ako namatayan ng malapit sa puso ko na kamag-anak. Hindi pa kasi ako pinapanganak nung namatay yung iba kong kamag-anak. Nakakalungkot. Kahit ine-expect mo na, hindi mo pa din maiwasang maiyak. Alam kong balang araw, mawawala din tong lungkot na to. Hindi magbabago ang isang puwang dito sa puso ko, sa puso naming mga iniwan mo. Mahal na mahal ka naming lahat. Mamimiss ka namin habang buhay