“napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror na teachers at mahihirap na subjects.”
sabi sa ABNKKBSNPLKo? ni pareng Bob Ong. Pero may idadagdag ako jan, based on experience. Napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang sa mga online games, luho, bisyo, at anumang materyal na bagay. Walang katumbas na experience ang pag-aaral at pag-abot ng pangarap.
Natuto na ko. Sana kayo din. Walang excuse ang pagliban sa klase. Maliban na lang kung mamamatay ka na. Pero kahit ganun, lagi pa din akong absent. Feeling ko lagi kasi akong mamamatay.