Feeling Mo Lang ‘Yun

December 17, 2009

“Feeling ko pag mag-isa ako, wala akong kasama.”

 Ang loko lokong sabi sa nabasa ko na hindi ko na maalala kung saan. Pero kung iisipin mo, may malalim na kahulugan ang mga salitang to, o ako lang ang nag-iisip nun dahil loko loko din ako?

Lagi kong naiisip yan pag nag-iisa ko, pero pag medyo iniintindi ko sya habang nag-iisa ako, medyo natatakot na ko. Isipin mo na lang, pag narinig mo yan ang automatic mong sasabihin, “Syempre engot! Mag-isa nga eh, eh di walang kasama!” pero kung iisipin mo, pano kung sabihin mong “Feeling ko pag mag-isa ako, meron akong kasama.” Naku noh, parang mas gugustuhin mo pang maging engot  kesa maging tama ang pangungusap mo.

Sa isang banda, para sa akin, ang pag-iisa ay hindi nangangahulugang wala kang kasama. Pwede namang sa room na puno ng tao, marami kang kasama, pero mag-isa ka lang talaga. (WARNING!: Kung naguguluhan ka sa pinagsasabi ko, wag mo na ituloy ang pagbabasa. Required ang magulong pag-iisip sa pagbabasa ng nito) Kung naiintindihan mo to, kaisa mo ko. Laging nag-iisa, kahit marami namang kasama. Kaya magkaisa tayo para hindi tayo nag-iisa (Parang politiko na, ang sagwa).

Madalas akong nag-iisa, sa bahay, sa school, sa pagcocomputer, sa pagtatayp nito, ngayon.. ganon kadalas. Pero parang nakasanayan ko na ata to, minsan mas gugustuhin kong pinapabayaan na lang ako, sa isang sulok, nood tv, text text, pag tinopak naman nagrereview, susulat, nagbabasa, nagbibilang ng lamok na napapatay, nagbibilang ng buhok sa kilikili, nagsasabon ng damit ng dalawang beses (sa paglalaba), nagbabanlaw ng damit ng apat na beses (sa paglalaba ulit), nagsasabon ng katawan ng tatlong ulit (sa pagligo), pero teka.. sa mga nabanggit na to, hindi ko nararamdaman ang pag-iisa ko, dahil alam ko, sa isang panig ng Pilipinas, may naghihintay sakin, na pag feel ko nang magkaron ng kasama, magkakaron ako talaga. May mga taong nagmamahal sakin na pwede kong puntahan kapag tapos na ko sa pag-iisa ko.

Ayoko naman talaga ng nag-iisa. Kung gusto mong mag-isa ka lang, abnormal ka. Para saan pa ang mga ginagawa mo kung nag-iisa ka lang. Pakamatay ka na kung ganun. Maliban sa mga bagay na dapat talagang mag-isa ka lang. Pero sa iba, mas masaya kung may kasama di ba? may kasama sa isang sulok, kasama manood ng tv, kasama mag text, kasamang topakin, kasama magreview, kasamang nagbibilang ng lamok na napapatay, kasamang nagbibilang ng buhok sa kilikili, kasamang naglalaba, kasamang naliligo (teka, parental guidance na to) at marami pang mga bagay na mas masaya kung may kasama ka.

“Mula ngayon wala nang ikaw, wala nang ako, tayong dalawa na”  ang sabi ni Audrey kay Jay-R.. hahaha!

Posted by annemanalo at 7:31 pm | permalink

Add a comment








Sabi ng lolo ko..

"huwag na huwag mong bibitawan ang isang bagay na hindi mo kayang makita na hawak ng iba"

also available:

popot:     http://popotxie.i.ph

saiwai:    http://saiwai.i.ph

ate jane:  http://cutesijane.blogspot.com/

 

add me on facebook :D

http://www.facebook.com/annemanalo

     

December 2009
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Bugnuting Bata

Rose-Ann Aliman Manalo.. ang pangalan na sinabi ng nanay ko sa doctor pagkatapos kong ipanganak. Pangalan na sinusulat ko sa bawat test paper na sinasagutan ko. Pangalan na sinasabi ko sa bawat magtatanong nito, minsan pinagtatakpan ko na lang.. "Anne po," ang pa-cute kong banggit sa nagtatanong ng pangalan ko. Buraot.. hindi ko kasi to gusto, ewan ko kung bakit sa loob ng siyam na buwan na pagiging fetus ko, hindi man lang nila pinag-isipang mabuti ang itatawag ng mga magulang ko sa magiging anak nila.. Ganyan din nangyari sa mga kapatid ko.. Mely, Mary Jane, Daniel, mabuti pa ung bunso naming kapatid, Dannilyn (turned Potpot) ang naging pangalan.. medyo napag-isipan nila ng konti.. eh pano kami?

Magmemessage ka o Kokotongan kita?

anne:

hi lyn! thank u sa pagbabasa ng walang kwenta kong blog. buti nagustuhan mo. advise? tina-translate lang ng kamay ko ung iniisip ng utak ko. kaya ko sila naita-type. kapag nakagawa ka na ng first blog mo, share mo din sakin :)

lyn:

hi..ganda ng site you.u know wat matagal ko ng gusto gumawa ng blog kzo d ko alam when nd where to start…like yours ang gusto ko isulat sa blog ko e un anything lang na maisipan ko..daily experiences, mga na o obsrve sa araw araw,mga thoughts na wala lang ..at mga saloobin na gusto ko ilabas…i know deep in my heart eto ang aking “unfullfilled dreams”sabi nga nila…sana matulungan u me salamat ng marami. :)

Get To Paid:

Online Job This is a brilliant and easiest way to have an extra income. Paid to Click (PTC) sites. The following sites pay you for clicking on advertisements and waiting for 30 seconds. These sites also pay for referring other people. The more people you refer, the greater your earning potential….100% spam FREEVisit the blog below: http://get2paid.blogspot.com/ *Read and understand the instructions in the blog.

Josh:

Haha! I like the blog’s title. :D

anne:

thanks :D

mike:

nice blog. i like it

pacman:

Nice blog. exchange link tayo. You might be interested to watch pacquiao vs margarito replay http://boxing.mlangonline.com

Rico.com:

Great arts, fashion, beauty, models, asianmodels.

pacquiao vs margarito:

Big Event this coming November 13, 2010
Watch the fight between Manny Pacquiao vs Antonio Margarito live stream
http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

haye vs harrison:

watch haye vs harrison fight this nov. 13 @ hayevsharrison.eztvstream.com

eztv:

nice blog. keep it up.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

ankara nakliyat:

very nices blogs .thank you mary…

anne:

maraming maraming salamat po :D

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

Mayweather vs Pacquiao:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

Frowning:

I’ve not spent that much time in the Philippines but I really must say it’s an amazing land. Anyway, I’m just commenting here because I’m reading blogs by filipinos and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while in Manila then I would really love to hear them. Happy Holy Week!

Sora:

xD i love ur posts they definitely make my day brighter! :D

chep:

i really love your posts! keep on blogging!

oann:

thanks :D

Abe:

nice site

Leave a message ▼