Ngayon.. ang papaniwalaan ko
Ngayon.. ang pinanghahawakan ko
at hindi ko alam kung bukas, meron pang tayo
Ngayon.. ikaw ang gusto ko
Ngayon.. alam kong ako lang ang gusto mo
at hindi ko alam kung bukas, ako pa rin ang pangarap mo
Ngayon.. nabubuhay ako, basta nandito ka sa tabi ko
Ngayon.. pinapangako ko, magiging totoo ako sayo
May rason kung bakit merong tayo
Kahit hindi ko alam kung habambuhay ito
May rason kung bakit magkasama tayo
At wala akong pakialam kung matatapos din to
Ang mahalaga sakin ay Ngayon
Ngayon.. masaya ako
Ngayon.. ang hiling ko
Sana bukas.. Sa isang araw.. At habang buhay.. Magkasama tayo..