Alam ko kung bakit ako nagagalit. Pero naisip kong wala din naman tong kwenta. Ako din ang mahihirapan, ako din ang magugulugan, ako din ang masasaktan. Makikipagtalo ka, makikipag-away, makikipagsakitan, masasaktan ka, at higit sa lahat, papanget ka. Eh ano naman kung magagalit tayo? Naisip mo na ba na kapag nagalit ka, hindi din naman naaapektuhan yung bagay na ikinagagalit mo? Ikaw lang din ang mahihirapan, samantalang sa isang banda, wala naman silang pakialam.
Ano nga ba ang saysay ng galit mo kung sa bandang huli, ang masasabi mo lang naman ay “wala na akong magagawa..” lalo na kung wala kang pinanghahawakan. Ikaw din ang lugi.