Matapos ng dalawang taon sa pagtambay sa bahay, sa wakas eto na naman ako at nagbabalik sa pagiging buhay estudyante. Balik pandacan, balik pagising ng maaga, balik pangungulit kay papa para sa allowance, balik pagsosolo sa bahay.. Kung dati ayaw kong nag-iisa sa bahay, ngayon parang hindi ko na ulit kayang mag-isa. Parang nagbago ang mga paniniwala ko sa loob ng dalawang taong pagiging tambay.
Marami akong mga napag-isip isip, at akalain mong may pangarap pala talaga ako? Marami akong gustong gawin, marami akong gustong bilhin, maraming gustong patunayan, maraming gustong puntahan, maraming gustong makita, makilala, makausap.. ang mga nagagawa ko 2yrs ago ay malamang hindi ko na pwedeng gawin ngayon. Ibang-iba na ang sitwasyon ko. Nagkaron ng mga bagong tao, bagong kakilala, bagong kaibigan, bagong “bestfriend”, kakulitan, kausap, katxt, na hindi ko akalaing magbabago ng magulo at walang patutunguhan kong buhay..
Nabubuhay na ko ngayon hindi na lang para sa sarili ko.. nangangarap ako para sa kanila. At pagsisikapan kong makatapos para din sa kanila :p wahahha syempre para din sa sarili ko para ganap na ang pagiging mayabang ko! Simula sa lunes, bagong buhay na naman, hindi na ko sanay mag-isa pero pipilitin ko ulit masanay.. ayokong malungkot
marami akong balak gawin, hindi ko lang alam kung san magsisimula at pano. ![]()



Good luck satin ^^
Posted by sai at September 14, 2009, 11:20 pm